Noong bata ka pa, big deal sa iyo ang 13th month pay ng magulang mo dahil ibig sabihin, pwede ka ng bilhan ng damit pamasko. Kapag nabilhan ka naman, gusto mong hilahin ang araw para mag-Pasko na. Parati mong tinitignan kung kasya pa sa yo ang bagong damit at bagong sapatos mo kahit sa isang maghapon at sampung beses mo na itong naisukat.
Ini-imagine mo na ang damit mo ang pinakamaganda sa lahat; na ma-iimpress ang crush mo sa get-up mo. Minsan, ila-lock mo ang pinto ng kwarto habang nagsusukat. Kapag may kumatok at natagalan kang buksan, idadahilan mong natutulog ka lang.
Sa mismong araw ng Pasko, di ka mapakali hanggang di mo naisusuot. Ikaw pa ang nagpapaunang magyaya na magsimba na kayo ng pamilya mo. Ikaw yung masigasig magbahay-bahay sa mga kapitbahay, ninong at ninang mo para mamasko.
“Anlaki mo na at ang ganda/gwapo!” —- yan ang hinahantay mong papuri sa kanila.
Uuwi ka mula sa maghapong paggala na sulit ang bagong damit at bagong sapatos. Magbibilang ka ng napamaskuhan, makikipagpasiklaban sa kapatid o pinsan sa kung sino ang mas madaming regalo o pamasko. Magbibihis at matutulog na kumpleto ang araw ng Pasko.
wala sa akin yung konsepto ng 13th month nung bata ako. basta may regalo ayun. 🙂
LikeLiked by 1 person
Bihira kaming bilhan ng damit kaya excited ako pag 13th month noon. LOL.
LikeLike
Haha sa amin laging may damit sa balikbayan box
LikeLiked by 1 person
Aba, may padala!
LikeLiked by 1 person
Halos lahat naman ng pamilyang pinoy may ofw na kamag anak haha
LikeLike