Finding A Long Lost Friend

Sa gitna ng walang kaabog-abog ay naalala ko ang isang dating kaibigan. Matagal na kaming walang komunikasyon sa isa’t-isa. Halos dalawampung taon na ang lumipas na napakabilis. Ang huling mga palitan ng salita ay hindi masaya dahil pareho kaming nabalot sa kalungkutan ng buhay. Iyon ang mga panahong ginugugol ko ang oras ko sa pagpapagaling sa sarili gawa ng mga suliraning may kinalaman sa pag-ibig. Sa pag-ibig noon umikot ang mundo ko—pipi at bingi sa mga pagsusumamo ng iba na alamin ang dinaranas nilang pagsubok sa buhay.

“Happy birthday!” bati ko sa text.

“Salamat, pero walang happy sa birthday ko,” tugon niya.

Kung bakit hindi ko masabi sa kanya na nainis ako sa tugon niya. Hanggang dumating ang panahong ayaw ko na din siyang kausapin pa. Mabigat na ang dinadala ko at ayoko nang dumagdag pa siya. Pero hindi ko inasahan na ang katahimikan sa amin ay daraan mula sa araw patungong buwan. At sa bilis ng takbo ng panahon, inabot na ng dalawang dekada ang putol na komunikasyon.

Dumating ang ginhawa sa pagod kong isip at puso kung kaya’t may lakas na akong hanapin ang mga taong naging bahagi ng buhay ko. Ngunit sa loob ng maraming taong paghahanap, naging mailap ang pagkakataon sa akin. Naaalala ko ang mga panahong naging mabuti siyang kaibigan sa akin. Isa siya sa mga nasasabihan ko noon ng mga bagay na hindi ko kayang sabihin sa iba.

Sabi nila, mahirap daw magpakita ang taong ayaw talagang matagpuan. Minsan, napapaisip ako kung isa ba ako sa mga taong gusto niya lang kalimutan. Na baka isa ako sa mga kaibigang dumaan lang sa buhay niya ngunit hindi nakatalagang pumirmi. Sa tagal nang panahon, heto ako at umaasang sana ay nasa maayos lang siyang kalagayan.

Ah, bakit namin hinayaang maging ganito ang pagkakaibigan namin? Napakaraming kaganapan sa buhay ko na hindi na niya alam. Siguro nga ay may mga bagay na hindi pinipilit ngunit kusang darating.

Advertisement

What can you say about the article?

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s