From NLEX to Baguio via SCTEX and TPLEX

I am amazed at how much faster it is to travel to Baguio now compared to when I was a student there. The last time I visited was in 2017 for our company’s strategic planning, and it only took us 3 hours to reach Baguio from Quezon City. The main factor for the quick travel time was that we were able to maintain a speed of 120 km/hr without any stops.

During our recent visit, we left home at 2:30 AM to avoid heavy traffic, as Baguio has become more popular and accessible. There was a slight confusion about which exit to take, as Waze suggested the Dau exit. We followed the suggestion and ended up on the McArthur Highway. However, it was only a short distance to the Mabalacat Exit, which was the correct route. It took us 45 minutes from the Bocaue Exit to reach the Mabalacat Exit. We decided to have an early breakfast at PTT-SCTEX, where we stopped for around 45 minutes. After that, we resumed our journey and reached TPLEX in less than 20 minutes.

It’s important to note that TPLEX is different from NLEX and doesn’t have as many gas stations for pit stops. Therefore, if you need to take a break, it’s best to plan accordingly. The stretch from TPLEX to the Rosario Exit took about an hour, and the next suitable stop would be the gas stations along Marcos Highway. Due to the closure of Kennon Road at that time, it took us another 45 minutes to travel along Marcos Highway. It was surprising to see that Marcos Highway is no longer as isolated as I remembered, with numerous vendors selling sweets and vegetables along the way. There are also new establishments that have been built, although some obstruct the natural view of the mountains.

On our way back home, we made a stop at the eatery near the Total Gas Station. The eatery is called Max Grillos, and they serve delicious, clean, and affordable food.

To ensure a smoother travel experience, it is advisable to start your journey with a full tank of gas to avoid long queues at the gas stations. Additionally, opting for an early morning departure is recommended. This way, by the time you reach TPLEX, there will be sufficient daylight. It’s challenging to imagine being stuck in TPLEX during a dark night since many areas lack proper lighting. By planning your trip accordingly, you can mitigate potential difficulties and enjoy a safer and more convenient travel experience.

Advertisement

Chapter 12: The Haunted- Documents

“Pasensya ka na, naharang ako ng kakilala ko,” nagulat pa ako na nasa tabi ko na pala si Rupert.

Napatingin siya sa diyaryong binabasa ko at napakunot ang noo. Ibinaba ko ang diyaryo at tinignan siya.

“Don’t tell me you’re reading a newspaper from almost two decades ago?” tanong niya. Seryoso siyang nakatingin sa akin. Mata sa mata, nagpapatigasan kung sino ang mauunang ibaling ang tingin. Sa bandang huli ay siya ang sumuko, tumingin siya sa malayo at parang nag-iisip. Matagal na panahon man ang lumipas, alam na alam ko kapag may bagay siyang ikinababahala. Sa isang banda ay naging pagkakataon ko din ito para sulyapan ang mukha niyang tila lalong pinaganda ng panahon mula sa ilong na parang nililok, mga kilay na akala mo ay pinasadya, mga matang nangungusap at labing parang handa laging humalik.

“Baka sakaling may mabasa akong interesting. May sarili kayong balita, di ba?” patay-malisya ko namang sagot.

“Sabagay, dati ka nang mahilig magbasa ng diyaryo. Pang-matanda, yan ang panay kong sinasabi sa ‘yo noon,” may ngiti na sa labi niya, nagbibiro.

“O, meron naman palang naligaw na balita dito. Nag-ribbon cutting si Mama Tam sa jewelry shop na binuksan sa bagong mall malapit sa SLU,” itinuro ko ang litrato ni Mama Tam. Saglit na tinignan ni Rupert at napangiti.

“January 1998 yan. Ambilis ng panahon. Ganun na din pala katagal,” mahina ang boses niya at parang ayaw ipadinig maski sa akin.

Tumunog ang cellphone ko. Maingay. Nagtinginan ang mga estudyante. Mabilisan kong kinuha sa bag ko ang cellphone at saka lumayo para sagutin ang tawag ni Jim. Nangungumusta lang siya at siguro ay nag-aalala. Sinabi kong nasa library ako pero hindi ko sinabing may kasama ako. Pagbalik ko sa table ay hawak ni Rupert ang isang botelya. Namula ako.

“I’m surprised na meron ka din neto,” sambit niya. Hinablot ko ang botelya at inilagay sa bag. Hindi ko siya sinagot. Nagmamadali akong isinoli ang diyaryo at saka walang lingon-lingon na lumabas ng library.

“Ano’ng problema mo?” pahabol na tanong ni Rupert.

“One hour na di ba? Pwede ko ng kuhanin ang TOR at diploma ko,” dire-diretso naman akong bumababa ng hagdan.

“May masama ba kung malaman kong nagte-take ka din ng gamot na yon?” tinumbok niya ang kinasira ng araw ko.

Natigilan ako. Hindi ko siya sinagot. Dahan-dahan naming binaba ang mataas na library building patungo sa Registrar’s Office.

“Ninong!” napagawi ang tingin namin sa direksyon ng nagsalita. Isang estudyante na hawig na hawig sa pinakamatalik na kaibigan ni Rupert.

“Oy, Ced!” ibinigay ni Rupert ang kamay niya at nagmano ang binata. Napatingin ito sa akin at ngumiti.

“Ced, hindi mo na maaalala ang Ninang mo? Sabagay, baby ka pa lang nung huling magkita kayo,” iminustra ni Rupert na pagmanuhin ko si Ced na siya naman niyang ginawa.

“Ninang?”

“Leona. Hindi mo na talaga ako matatandaan dahil baby ka pa nung umalis ako dito. Kumusta na si James at Trina?” namangha ako dahil hulmang-hulma ni James ang panganay niya.

“Nasa bahay po si Mommy. Si Daddy ang panay kasama ni Ninong para sa…”

“Ced, pang-merienda mo,” inabutan ni Rupert ng isang libong piso si Ced. Tuwang-tuwa naman ang binata. Kumuha din ako ng isang libo at ibinigay sa kanya.

“Thank you, Ninong, Ninang. Selfie po tayo?” napagitnaan namin siya at nagpaunlak ng selfie.

“Tell your dad that we will drop by your place one of these days,” kumaway si Rupert sa paalis na si Ced.

“Para akong nakakita ng clone,” pagbibiro ko. Natawa din si Rupert.

Sa Registrar’s Office, si Rupert na ang kumuha ng TOR at diploma ko. Napabuntung-hininga ako dahil sa loob ng mahabang panahon, ngayon ko lang nakita at nahawakan ang bunga ng pagsisikap ko noong nag-aaral pa lamang ako.

The Haunted: Chapter 10 Ex-Center of His Universe

“So, ano talaga ang ipinunta mo sa Baguio?” tanong ni Rupert.

“Panagbenga.”

Napangiti si Rupert, yung ngiti na parang hindi naniniwala sa sinasabi ko.

“Okay, so bale pinapasyal ninyo ni Jim ang kids ninyo?” follow-up question niya. Nakatingin sya ng taimtim sa akin na parang pulis na nag-uusisa sa kawatan.

“No, I came here alone,” hindi ako tumingin sa kanya kaya hindi ko alam ang naging ekspresyon niya.

“There must be trouble in paradise?” seryosong tanong niya.

“Wala naman…” maagap kong sagot habang naglalakad ng kaunti papunta sa front door.

“I wouldn’t ask more questions about your family. Anyway, what’s your plan for today?” nakapamewang niyang tanong.

“Kukunin ko siguro ang TOR ko at diploma sa school,” ang naiilang kong sagot.

Nahalata kong medyo nagulat siya.

“Are you sure? Nawala ba ang transcript of records at diploma mo?”

“Hindi ko pa talaga nakuha. Noong umuwi ako pagkatapos ng graduation, hindi na ako bumalik pa. It took me almost 20 years to finally have the courage to come back,” seryoso kong sagot.

Hinawakan niya ako sa kamay, hindi ko alam pero hindi ko binawi ang pagkakahawak niya.

“Leona, don’t tell me hindi ka nag-pursue ng career na gusto mo after college?” naroon ang concern sa boses niya.

Nagtama ang mga mata namin, binabasa ng bawat isa sa amin ang nilalaman ng puso at isipan. Binawi ko ang paningin ko sa mga mata niyang nangungusap, iniingatan kong buksan anuman ang damdaming nakatago sa akin. Takot? Hiya? Pagkabahala? O baka naman may natutulog pa kaming damdamin para sa isa’t-isa?

“Hindi naman ako nagtatrabaho sa isang sikat at malaking kumpanya. Hindi nila ako hiningan ng mga bagay na iyan. Pinakita ko lang ang school ID ko and that was it,” nahihiya kong sagot.

“Oh, hindi pala natuloy ang Jessica o Korina dream mo?” pagtutukoy niya sa mga idolo kong sila Jessica Soho at Korina Sanchez.

“That’s life. It has full of surprises. Para namang bago ka nang bago,” sagot ko.

Bumitiw siya sa pagkakahawak sa akin at humalukipkip.

“Ano’ng oras ka ba pupunta ng SLU? Samahan na kita,” alok niya.

“Pagkakain ko ng breakfast.”

“Ooops, sorry. Nagpa-deliver lang ako kanina. I wasn’t expecting any visitor.”

“What about your wife?” ganti kong tanong.

Napangiti siya, yung ngiti na hindi malaman kung maiinis o matutuwa sa tanong ko.

“I’m a damaged man, kahit si Abigail na napakabait ay hindi talaga tatagal sa akin,” napapailing niyang sagot.

May kurot ang pangalang binanggit niya sa akin. May kaunti din akong pagsisisi kung bakit ko pa natanong.

“May breakfast namang inihanda si Dina. I should go now,” pagpapaalam ko.

“I’ll be there in 30 minutes. Antayin mo ako. Sasamahan na kita,” sabi niya habang binubuksan ang front gate.

“Hindi ba magagalit ang boss mo kung ma-late ka sa trabaho?”

Napangiti na naman siya na alanganing natutuwa at alanganing nagtataka sa tanong ko. Lalong lumulutang ang angkin niyang kagwapuhan sa facial expression niya.

“Sasabihin ko na lang na may old friend akong nagbabakasyon at gusto naming sulitin ang panahon. Sa palagay mo, pwede na bang dahilan yan?”

Napangiti ako at napatango. Habang nilalakad ko ang pauwi sa college house ay hindi ko maintindihan ang sarili ko kung bakit nasaktan ako sa salitang “old friend.” Hinahanap-hanap ng pandinig ko ang mga matatamis na kataga o taguri niya sa akin noong mga panahong kami pa.

Princess.

Ms. Universe.

One of a kind.

Love of my life.

Hayan ang mga tawag niya sa akin dati. At ngayon ay isa na lamang akong old friend. Nalulungkot ba ako dahil hindi na ako ang center of his universe o sadyang bad news lang talaga ako kahit kanino? Nagsisikip ang dibdib ko sa nagsisimulang bugso ng mga damdamin. Dinukot ko ang bulsa ko at hinanap ang isang bagay na makakapagpakalma sa akin.

The Haunted: Chapter 9- Ate Linda

“Saan ka pupunta?” pigil ni Rupert sa akin, hawak ang aking kaliwang braso.

Napatingin ako sa pagkakahawak niya. Bumitiw siya sa akin.

“Uuwi. May hinahabol akong schedule,”dumiretso ako papuntang front door. Naririnig ko ang yabag niya, sinusundan niya ako.

“Baka gusto mo munang mag-breakfast dito?” tanong niya. Hinawakan ko ang doorknob at pinaikot.

“Thank you na lang,” sagot kong hindi pa din siya nililingon.

“Teka teka teka….!”

Pagtingin ko ay nasa harapan ko na siya. Alangang inis at alangang nakangiti ang ekspresyon ng mukha niya. Binaling ko sa iba ang paningin ko. Oo, nako-conscious ako.

“Ikaw itong bigla-biglang papasok sa property ko habang nananahimik ako. Tapos ikaw din itong may ganang umalis na ganun-ganun na lang? Sanay na sanay ka talagang umalis kapag nasusukol na, ano?”nakapamewang nyang sabi sa akin. Kung nagbibiro siya, may kurot ng katotohanan ang biro niya.

Fight or flight—ako daw ang tipo ng taong aalis na lang kung palagay kong hindi na ako kumportable sa sitwasyon. Hindi daw ako ang tipo na ipaglalaban ang sinuman o anuman dahil mas importante sa akin ang pansariling kaligayahan.

October 1994, hindi ko pa masabing opisyal ang relasyon namin ni Rupert. Hindi kami dumaan sa normal na ligawan. Simula nang makilala ko si Mama Tam, naging mas malapit kami ni Rupert dahil panay din akong naiimbitang kumain ng hapunan sa bahay nila. Siguro, dala ng matinding homesickness, naging paraan ko din ang pagiging malapit sa kanilang pamilya. Konserbatibo ang pamilya ni Rupert. Alam kong gusto nila ako pero hindi kami malayang nakakapagpahayag ng damdamin sa isa’t-isa ni Rupert habang naroon kami sa malawak na sulok ng kanilang bahay. Bilang mga bata pa noon, dumating kami sa punto na naging hamon sa amin ang lihim na pagkikita noon. Nagpapaalam si Rupert na mag-o-overnight sa bahay ng pinakamatalik niyang kaibigan para sa isang group study pero sa college house uuwi ng bandang alas-dose ng gabi. Nagagawa lang namin ito tuwing Sabado ng gabi kung kailan umuuwi sa La Union si Jenny at habang nag-o-overnight naman sa ibang bahay sila Marie at Joy. Wala akong problema kay Clara dahil kahit minsan ay hindi niya ako nilaglag.

“Okay talaga dito sa kama ni Jenny,”sabi ni Rupert habang bahagyang inaalog pataas-baba ang kutson.

“Para lang tayong nagka-camping lagi, di ba?” sagot ko naman.

Inosenteng kabataan. Kung tutuusin ay wala naman kaming ginawang malisyoso, gusto lang namin ang presensya ng bawat isa.

“Isasara ko muna ang pinto.”

“Ahhhhhhhh!”

Pareho kaming natigilan ni Rupert. Nasa harap namin si Ate Linda na nagulat sa aming dalawa. Nang mahimasmasan ay bumakas ang galit sa mukha niya.

“Rupert? Ano’ng ginagawa mo sa kwarto ni Leona?” tanong niya. Nanginginig ang mga kamay niya sa galit.

“Ate Linda, wala po kaming ginagawa ni Rupert….” ang mahina kong tugon.

“Leona! Masisisante ako sa trabaho sa pinagagagawa mo! Rupert, makakarating ito sa mama mo,” may pagbabanta sa boses ni Ate Linda habang mabilis ang mga hakbang niya pababa.

“Ate Linda, please naman po, wag na ninyo kaming i-report ni Rupert,” naiiyak kong sabi.

Mas mabilis ang pagbaba ni Rupert sa malapad na hagdan at saka humarang sa telepono.

“Manang Linda…please po. Yung bayad sa renta ni Leona, kahit hindi ninyo ibinigay kay Auntie Yumi, hindi naman niya kayo isinumbong at inako pa niya na sya ang naging cause of delay. So bakit hindi ninyo maibalik ang pabor sa amin ngayon?”

Natigilan si Ate Linda at saka humarap sa akin.

“Leona? Di ba pinag-usapan na natin yan? Nagkasakit ang anak ko kaya nagastos ko muna ang pera. Ibabalik ko ito sa katapusan,” paniniyak ni Ate Linda.

Nakita ko ang pangamba sa mga mata niya. Nagkaroon ako ng lakas ng loob na sitahin siya. Tahimik lamang si Rupert na nakamasid sa palitan namin ng salita ni Ate Linda.

Ring… Ring….

Napatingin kami ni Ate Linda sa telepono. Nagmamadali siyang sinagot ito.

“Ma’am Yumi, buti po ay napatawag kayo sa dis-oras ng gabi na ito….” hindi na natapos ni Ate Linda ang salita at saka niya marahang ibinaba ang telepono at napaupo.

“Ate Linda? Bakit po? Ano ang nangyari?” tanong ko ng may pag-aalala.

Umiling lamang si Ate Linda at saka umiyak nang umiyak. Nagpaalam naman si Rupert na uuwi na. Napatingin ako sa hagdan at nakita kong nakaupo si Clara na malamang ay nabulabog dahil sa sigawan at komosyon.

Kinabukasan ay sinundo ako ng Papa ko para sa semestral break. Hindi ako iniimik ni Ate Linda maliban na lamang kung naroon ang Papa ko. Hinatid niya pa din ang maleta ko sa kotse at saka kumaway na may malungkot na mga mata. Hindi ko maintindihan ang mga nangyari kung bakit nagkaganito ang pagsasama namin ni Ate Linda. Basta alam kong alam ni Clara na malaki ang kinalaman ko kung anuman ito dahil sa nahuli ako ni Ate Linda na nagpapasok ng lalaki sa kwarto—bagay na mariing pinagbabawal ni Auntie Yumi sa aming lahat.

The Haunted: Chapter 7- You’re Not Welcome Here

Pauwi na ako mula sa pagdya-jogging nang di ko mapigilang tumingin sa direksyon ng bahay nila Rupert. Mula sa kinatatayuan ko ay tanaw na tanaw ang bintana ng kuwarto sa ikalawang palapag ng college house. Ito ang kwarto nila Clara, Marie at Joy. Kumabog nang husto ang dibdib ko ang masilip ko ang malawak na bakuran na may nakahilerang mga pine tree. Napalilibutan na ng mga yellowbell ang bakod. Mukhang maayos namang naaalagaan ang bermuda grass na lalong nagpatingkad sa ganda ng hardin. Hindi nasisilip ang buong bahay mula sa gate dahil nakukublihan ito ng mga punong hindi naman katangkaran.

Matagal nang may remote control ang front gate nila Rupert. Kumbaga ay hindi pa gaanong uso ay mayroon na sila. Kung nagluluko ang remote, may passcode namang pipindutin sa tagong bahagi ng bakod. Lagusan din ang bahay nila sa kabilang kalsada. Sa back gate kami dumaraan kapag kailangang ilabas o ipasok ang mga sasakyan dahil ang garahe ay nasa likurang bahagi ng bahay. Mataas ang back gate at mahirap akyatin, kabaligtaran naman ng front gate na ang tanging seguridad ay ang passcode at remote-controlled na gate.

Alam ko ang passcode ng front gate dahil madalas naman ako sa bahay nila. Sinubukan kong pindutin ang apat na numerong natatandaan ko. Nakahanda akong tumakbo kung mali ang napindot ko dahil tiyak na mag-aalarm ito mula sa bahay.

“0525,” nanlalamig kong pinindot ang keypad.

Tik… hindi ako makapaniwalang ilang dekadang hindi pinalitan ang passcode. Dahan-dahang bumukas ang front gate at natambad ako sa malawak na lupang sumalubong sa akin. Bagama’t nagdadalawang-isip ay tinapangan ko ang loob ko at marahang lumakad papasok.

“Crack!”

Natapakan ko ang isang piraso ng pine cone. Maraming pine cone ang nalaglag at nagmistulang disenyo.

Tug…tug…tug… habang papalapit ako ay lumilinaw ang tunog na naririnig ko. Pilit kong inalala ang tunog kung saan nagmumula ngunit wala akong maaalala. Ang kahuli-hulihang tunog na tumatak sa akin hanggang ngayon ay ang malakas na sigaw na pinakawalan ni Rupert habang nagmamadali akong tumakbong pabalik sa college house.

Malamig na malamig ang aking mga palad habang papalapit nang papalapit sa tunog. Huminto ako at pinalibot ang aking mga mata sa malaking bahay na tanaw na tanaw ko na ngayon. Halos walang nabago sa bahay sa labing-walong taong hindi ko ito nakita. Ang tatsulok na bubong nito ay buong-buo pa at parang hindi naluluma. Puting-puti pa din ang haligi ng bahay. Ang nawala na lang ay ang tumba-tumba sa terrace ng bahay na pinaglalaruan ko noong madalas pa akong magpunta.

Tug..tug.. tug… lalong lumalakas ang tunog na nanggagaling sa likurang bahagi ng bakuran. Lumakad ako at nakita ko ang nakahubad na lalaking nakatalikod. Nag-alala akong makita niya dahil trespassing ang ginawa ko. Sa pagmamadali kong makabalik sa front gate ay nagkamali ako ng hakbang at nadulas.

“AYYYYY!” pasalampak kong upo sa porch.

Pagtingin ko sa harap ko ay nakita ko ang palakol na hawak ng lalaki. Nanginginig akong tumingin pataas at para akong nabuhusan ng malamig na tubig.

“Leona? Ano’ng ginagawa mo dito?” hindi ko mawari kung galit o nagulat lang si Rupert.

Halos hindi ako makatayo dahil sa sakit kaya’t binuhat niya ako. Hindi ako makapagsalita hanggang sa inupo nya ako sa garden chair na nasa likod na bahagi ng bahay kung saan kami nagba-barbecue noon.

Nakatayo naman si Rupert at hinatak ang puting T-shirt sa isang garden chair. Hindi ko maiwasang tignan ang malaking pagbabago sa kanyang katawan mula sa payat na teenager na nakilala ko hanggang sa pagkakaroon ng matipunong katawan ngayon. Naaalala kong pawisan nga pala ako ngayon dahil sa pagdya-jogging. Hindi ko alam kung nahiya ba ako na ganito ang hitsura ko sa muli naming pagkikita.

“Hindi ka nagsabing dadalaw ka. Paano ka nga pala nakapasok?”

“Yung… passcode.”

“Ah, hindi ko pinalitan,” napangiti siya.

“I just tried… nag-jogging lang ako tapos nadaanan ko ito. Sige, aalis na ako. Wala na yung sakit sa pagkakadulas,” pinilit kong tumayo.

Lumapit si Rupert at hinawakan ako sa kanang braso, “Gusto mong ihatid kita ng bike?”

Napangiti ako. Naaalala niya ang unang pagkakataong nagkakilala kami. Ganun pa man ay napalitan ito ng matinding pagkatakot nang makita ko si Mama Tam na nakatingin sa amin at nanlilisik ang mga mata. Pagod, gutom at matinding takot—hindi ko na namalayang nawalan na pala ako ng malay. Maling-mali yata ang pagbabalik ko sa malaking bahay dahil hindi ko pa din kayang harapin ang multo na sinusundan ako sa loob ng labing-walong taon.