Teaser lang ng “Ang Babaing Hinugot Sa Aking Tadyang” ang napapanuod ko. (Mas importante sa akin ang 8 oras na tulog kesa manuod ng TV, hehehe.) Simula ng mapanuod ko, naging curious ako. Paano nga ba ginampanan ni Ms. Vivian Velez ang role na Proserfina? Sa mga hindi nakaaalam, si Ms. Vivian Velez ang tinaguriang Ms. Body Beautiful ng kanyang panahon. Walang retoke yun, ha? Tama ba ang impormasyon ko na ang original role na Proserfina ay isang serial killer? Dito kasi sa Marian Rivera version, isa syang akyat-bahay. Kung ganyan kaganda at ka-sexy ang akyat-bahay, malamang lahat na magpapa-akyat-bahay.
Hindi maikakaila, si Marian Rivera ang babaing humugot sa puso ni Dingdong Dantes. Sa aking palagay, hindi lang gimmick ang sweetness nila ngayon. In fairness, bagay na bagay kay Marian ang malandi at wild na role bilang Proserfina. Siya lang ang naiisip kong tamang artistang gumanap sa papel na iyon.
Vindicated nga ba si Karylle dahil ngayon lumalabas na totoong nagka-developan nga ang dalawang lead stars ng GMA-7. Sa aking palagay, nararapat nang patahimikin din si Karylle at huwag ng ungkatin ang nakaraan nila ni Dingdong. Hindi ito nakabubuti sa career ni Karylle dahil laging may comparison na magaganap sa kanila ni Marian. Let’s face it, hindi leading lady material si Karylle. Mas magandang mag-focus sya sa theater dahil dun naman talaga ang forte nya. Hindi nakakatulong ang pagka-link nya kay Jericho Rosales o Christian Bautista. Nagmumukha syang gumaganti lang sa ex-bf nyang si Dingdong. Natutuwa naman din ako sa very sexy billboards nya for Bench. Classy ang dating ni Karylle at napatunayan din naman nyang she’s HOT in her own right.